Humirit ng pondo ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa pagpapatayo ng siyam na weather station.
Ayon kay Nathaniel Servando, Deputy Administrator ng PAGASA, itatayo ang siyam na weather station sa Cagayan Valley, Region 4A, at Western Visayas.
Inuna anya ang mga lalawigan na walang weather station tulad ng Marinduque at Batangas habang mayroon ng 82 pasilidad ang PAGASA sa buong bansa.
Hiniling naman ni Senador Francis Tolentino na ibigay ang listahan ng siyam na lugar kung saan ito itatayo.
Gayunpaman, hindi naisama sa panukalang budget para sa 2023 dahil may kasalukuyang proyekto na pinopondohan. —sa panulat ni Jenn Patrolla