Aabot sa 625 pamilya o 1,990 indibidwal ang nanunuluyan sa 69 na evacuation centers dahil sa Bagyong Neneng.
Sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nasa 787 na pamilya o 2,663 katao ang nananatili sa ibang mga lugar.
Nasa 27,841 pamilya ang naapektuhan ng kalamidad mula sa 312 barangays sa Regions I, II at CAR.
Ilang kabahayan ang napinsala ng bagyo kung saan dalawa ang totally damaged habang 26 ang partially damaged.
Umabot naman sa P2,592,651 ang naipagkaloob na tulong ng DSWD at Local Government Units sa mga naapektuhan ng Bagyong Neneng.