Ipinagbabawal na ang produktong baboy mula sa limang probinsya ng Western Visayas dahil sa African Swine Fever (ASF).
Kabilang sa mga lugar ang sa isla ng Guimaras, Panay na kinabibilangan ng Iloilo, Antique, Aklan at Capiz.
Ayon kay Negros Occidental Gov. Bong Lacson, na ang Provincial Ordinance 2019-024 o mas kilalang ASF Prevention Ordinance of Negros Occidental ay ipinagbabawal karne ng baboy dahil African Swine Fever.
Samantala, nagpatupad na din ang Cebu ng “temporary ban” sa ilalim ng executive order ng Cebu Governor.
Sa ilalim ng executive order ng Cebu Governor, ang mga produktong baboy mula sa Negros Oriental o Negros Occidental kinakailangan ng livestock permit. —sa panulat ni Jenn Patrolla