Nakatakdang makipag-ugnayan ang Department of Justice (DOJ) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para makuha ang ibang detalye hinggil sa isiniwalat ng gunman na responsable sa pagkakapatay kay Percy Lapid.“
Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pag-aaralan niya ang lahat ng impormasyon sa isiniwalat ng sumukong gunman na si Joel Salve Estorial.
Magugunitang sinabi ni Estorial na napag utusan lamang siya sa loob ng bilibid na patayin ang brodkaster na si Percy Lapid.
Ayon kay Remulla, kakausapin niya mismo si DILG Secretary Benhur Abalos Jr., para makuha ang iba pang detalye hinggil sa hinggil dito.
Aniya, dapat na maprotektahan rin ang gunman upang malaman ang mastermind sa pagpatay.