Pumalo na sa 331 ang bilang ng mga barangay sa Region 1, 2 at cordillera Administrative Region (CAR) na naapektuhan ng bagyong Neneng.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) , ito’y mula sa 160 bilang na naitalang apektadong barangay kahapon.
Umakyat din ang bilang ng pamilyang apektado ng bagyo kung saan umabot na ito sa 29,544 o katumbas ng 103,662 na mga indibidwal.
Habang kabuuang 601 pamilya mula sa Region 1 at CAR ang hanggang ngayon ay nananatili sa 71 itinalagang evacuation center at 765 namang pamilya mula sa nasabing tatlong rehiyon ang piniling pansamantalang makituloy sa kanilang mga kamag anak.
Sa kabutihang palad wala pa namang naitatalang nasawi at nawawala ngunit dalawa na ang napaulat na nasugatan dahil sa bagyo. - sa ulat ni Agustina Nolasca (Patrol 11)