Kinilala ang isang Pinoy seafarer sa London dahil sa katapangang ipinamalas nito.
Binigyang pagkilala ang Pinoy na si Vicente Somera ng International Maritime Organization o IMO.
Ayon sa IMO, katangi-tangi kasi ang ipinamalas ng Pinoy matapis nitong sagipin sa dagat ang buhay ng isang banyagang seafarer na si Steve Collins.
Kauganay nito, nasaksihan din ni Philippine Ambassador to the United Kingdom Enrique Manalo ang awarding ceremony para sa ating kababayan.
Ayon kay Manalo, katangi-tangi talaga si Somera dahil handa nitong isakripisyo ang sariling buhay para sa kapakanan ng iba.
Ipinapakita lamang aniya ng aksyong ito ni Somera ang dedikasyon at propesyonalismo ng mga Pinoy seafarer sa trabaho.
By Allan Francisco