Sisimulan na ng Bureau of Immigration ( BI) bukas, October 19 ang pagde-deport ng mga dayuhang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), na ang lisensya ay nakansela na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sinabi sa kaniya ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na 5 hanggang 6 na dayuhan ang inaasahang ipa-padeport bukas.
Nasa kustodiya naman ng BI ang nasa 400 dayuhan na inaalam na ng China ang pagkakakilanlan, para malaman kung ito ba ay kanilang mamamayan.
Sa ngayon, sinabi ni Remulla na pinag-aaralan na ngayon ng DOJ ang rekomendasyon ng BI na magpatupad ng amnestiya para sa mga iligal aliens sa Pilipinas.