Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na nasa Philippine Sea sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, na si Bagyong Obet ay namataan sa layong 1,055 kilometers silangang bahagi ng extreme northern Luzon.
Si bagyong Obet ay may lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour na may lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour.
Kumikilos ito patungong north-north-westward sa bilis na 10 kilometers per hour kung saan, apektado ng mga pag-ulan ang bahagi ng Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao, at ang northern portion ng Mainland Cagayan.
Asahan din ang mga pag-ulan sa bahagi ng Batanes, northern portion ng Ilocos Sur, Abra, Kalinga, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan.
Samantala, nakataas parin ang gale warning signal ng PAGASA partikular na sa Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, Illocos Sur, La Union, at Pangasinan kaya’t hindi muna pinapayagang pumalaot ang mga kababayan nating mangingisda maging ang maliliit na sasakyang pandagat.