Naghahanda na ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa ika-8 edisyon ng Women’s Martial Arts Festival hinggil sa pagbalik nito ng pisikal na kompetisyon.
Isasagawa ang kompetisyon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PhilSports Complex sa Pasig City simula November 12 na tatagal hanggang 17.
Sinabi ng PSC, na posibleng umabot sa 1,000 ang makikilahok sa naturang kompetisyon kung saan, sakop nito ang pencak silat, wrestling, sambo, taekwondo, muay thai, kickboxing, karate, jiujitsu, kurash, judo at arnis.
Inaasahan naman ng PSC, na mas dadami pa ang mga atleta na magpapakita ng kanilang talento para sa karangalan ng bansa.