Aprubado na ng Department of Health (DOH) ang Sinovac COVID-19 vaccine para sa mga edad 6 hanggang 17.
Alinsunod ito sa rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC).
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergerie, maaari nang umpisahan anumang araw ang pagbabakuna sa nasabing age group dahil sa Department Memorandum 2022-0455.
Magugunitang pinayagan lamang ng DOH ang pagtuturok ng Sinovac sa mga edad 18 pataas habang ang Pfizer COVID-19 vaccine ang ginamit sa vaccination ng mga edad 5 hanggang 11 at Pfizer at Moderna para naman sa mga edad 12 hanggang 17. —sa panulat ni Jenn Patrolla