Hinikayat ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang mga rice miller na direktang mag-deliver ng bigas sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni SINAG Chairperson Rosendo So, mainam na hindi na idaan sa middleman ang mga bigas para maibenta ito ng mas mura sa merkado.
Samantala, umabot na sa 72,560 metriko tonelada o 1.2 million bags ng bigas ang nabili ng SINAG mula sa mga lokal na magsasaka partikular sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Central Luzon.
Bahagi ito ng kasunduang nilagdaan ng grupo at ng National Food Authority (NFA) para sa pagbili ng 7.5 billion kilos ng palay sa mga magsasaka sa halagang 19 hanggang 20 pesos.
Layunin nito na matulungan ang mga magsasaka sa gitna ng mahal na gastos sa produksyon.