Pormal nang sinampahan ngayong araw ni Roy Mabasa ng kasong murder ang mga suspek na pumaslang sa kanyang kapatid na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.
Partikular na sinampahan ng kaso nito ang umano’y gunman na kusang sumuko sa otoridad at humarap sa media kahapon na si Joel Escorial at hindi Estorial taliwas sa unang apelyido ng suspek na naiulat.
Gayundin ang mga isinawalat na pangalan ng kasabwat ng suspek na si alyas Orly at magkapatid na Israel at Edmun Dimaculangan na sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ng pulisya.
Nabatid na kagabi ipinakita kay Mabasa ng suspek ang isang lugar sa Las Piñas City kung saan isinagawa ang surveillance, o pagmamatyag bago ang nangyaring pagpatay sa nasabing brodkaster.