Tinatayang aabot sa mahigit P 366 – M (P366,058,240.16) ang iniwang pinsala sa agrikultura ng Bagyong Neneng sa Regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) .
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), 19,167 ektarya ng pananim ang nasira ng bagyo habang 14,578 na magsasaka ang naapektuhan ng kalamidad.
Pinakanapuruhan ng bagyo ang Cagayan Valley, kung saan tinatayang aabot sa mahigit P 354- M (p354,499,525.78.) ang danyos sa agrikultura.
Sumampa naman sa mahigit P 81.5- M ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa mga nasabing rehiyon habang 166 na bahayang nasira.
Aabot naman sa 175,275 katao ang naapektuhan ng Bagyong Neneng habang dalawa ang napaulat na nasugatan at walang naitalang namatay o nawawala.
Iniulat din ng NDRRMC na aabot sa mahigit P 15-M (P15,347,070.07) ang halaga ng assistance na naipagkaloob sa mga naapektuhang lugar.