Posibleng maglabas na ng Tropical Signals ang PAGASA sa ilang bahagi ng Northen Luzon simula mamayang gabi hanggang bukas ng umaga.
Ito ay matapos maging isang ganap na bagyo ang Tropical Depression Obet kaninang umaga.
Sa 11am Bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong obet sa layong 1,025 kilometes silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 km/h.
Kumikilos ang Bagyong Obet Pahilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 km/h.
Dahil sa bagyo, sa Biyernes hanggang Sabado ng umaga ay uulanin ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao, at Northern Portion of Mainland Cagayan.
Inaasahan namang lalakas pa ang bagyong obet na itataas sa tropical storm category sa Biyernes o Sabado bago magtungo sa West Philippine Sea.