Pabor si Senador Christopher “Bong” Go na muling buhayin ang ROTC sa mga paaralan dahil sa posibleng malaking papel nito sakaling may maganap na krisis sa bansa.
Ayon kay Go, maaaring magamit ang ROTC sa anumang aksyon upang suportahan ang regular na tropang militar na nakikibahagi sa mga operasyon sa panahon ng mga natural na kalamidad
Ngunit iginiit ni Go na kailangang pag-isipang mabuti ang lahat ng opsyon, kabilang na ang pagdedesisyon kung dapat itong gawing mandatory o opsyonal.
Nanindigan naman ang mambabatas na magandang hakbang ang pagsali sa ROTC upang makatulong sa bansa at magturo ng disiplina at pagkamakabayan sa mga kabataan.
Matatandaang required course ang ROTC para sa mga lalakeng mag-aaral ngunit ginawa itong opsyonal matapos ang ilang ulat ng mga iregularidad sa naturang programa. —sa panulat ni Hannah Oledan