Aabot na sa 335 million pesos ang nawala sa kaban ng gobyerno dahil sa mga doble-dobleng pangalan at hindi tugmang listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Batay ito sa report ng Commission on Audit (COA), na nagrekomendang linisin ang pangalan sa 4Ps database at tanggalin na ang mga duplicate entry o ayusin din ang mga hindi tugma.
Napansin din ng COA na nagkaroon ng release ng grants sa 25,410 validated at delisted duplicates mula sa 18 rehiyon o katumbas ng 335.4 million pesos.
Nasilip din sa report na nasa 95,000 ang mga pinaghihinalaang nadobleng mga pangalan sa database simula pa noong 2017.
Kabilang na rito ang tinatayang 80,000 cases na naresolba o naayos ng DSWD kaya’t nabawasan ang mga duplicate sa database.