Maaga pa para alisin ang ipinatutupad na pinakamataas na alerto kaugnay sa COVID-19 crisis.
Ito’y ayon sa Emergency Committee ng World Health Organization (WHO) ay dahil nananatili ang global health emergency sa kabila ng report nang pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Suportado naman ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ang pahayag ng emergency committee na naggiit sa pangangailangang palakasin pa ang surveillance at palawigin ang access sa test, treatment at vaccine para sa mga vulnerable sectors.
Sinabi ng pinuno ng WHO na bagama’t umayos naman ang sitwasyon simula nang magsimula ang pandemya tuluy-tuloy pa rin ang pagpapalit ng virus kayat marami pa ring panganib ang idudulot nito.