Umabot sa mahigit P23 million (P23,838,231.66) ang naipamahaging tulong ng Department of Social Welfare And Development (DSWD) at Local Government Units (LGUs) sa mga naapektuhan ng bagyong Neneng.
Batay sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nasa 52,478 pamilya o 183,308 indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad sa 499 barangays sa Regions I, II, at CAR.
Nananatili pa rin sa pitong evacuation centers ang 94 na pamilya o 347 katao habang nanunuluyan naman sa ibang lugar ang 253 pamilya o 812 indibidwal.
Napinsala ng bagyo ang ilang mga kabahayan kung saan 60 ang totally damaged habang 222 ang partially damaged.