Nadagdagan pa ang death toll sa ebola epidemic na idineklara noong nakaraang buwan sa Uganda.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, mayroong 60 kumprimadong kaso at 20 probable cases ng ebola, kung saan 44 ang nasawi at 25 ang nakarekober.
Matatandaang nagdeklara ng tatlong linggong lockdown si Ugandan President Yoweri Museven sa dalawang high risk districts dahil sa pagsirit ng ebola infections.
Nabatid na lumalaganap ngayon sa naturang bansa ang isang strain na tinawag na Sudan ebola virus, kung saan wala pang available na bakuna laban dito.
Sinabi naman ng WHO na posibleng masimulan na sa mga susunod na linggo ang clinical trials sa mga gamot upang labanan ang naturang strain.