Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na magpapatupad ng ganap na digitalized command center para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) bago matapos ang Nobyembre ngayong taon.
Ginawa ni Ople ang anunsiyo matapos lagdaan nila ni Iom Deputy Director General Amy Pope ang isang memorandum of understanding o mou na naglalayong palakasin ang higit na pagtutulungan ng 2 organisasyon sa paglilingkod sa mga migranteng manggagawang pilipino, sa kanilang kapakanan, empowerment, edukasyon, at reintegration.
Nagbigay din ang iom ng iba’t ibang laptop at electronic equipment kay Ople sa presensya ni DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac.
Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat si Ople at binanggit na ang kagamitan na donasyon ng dmw ay gagamitin sa pagsubaybay sa sitwasyon sa ibat-ibang bansa kung saan mayroong mga pilipino.
previous post