Walang katotohanan ang mga lumabas na ulat na inalok umano ng France ang Pilipinas ng 2 submarine kapalit ng permiso na mag-explore ito sa karagatan ng bansa.
Ito ang sinabi ni Department of National Defense (DND) Spokesperson Arsenio Andolong, nagkaroon ng defense cooperation agreement ang Pilipinas at France nuong 2016, ngunit walang natalakay tungol sa naturang usapin.
Sinabi pa nito na bagama’t ang pagbili ng submarine ay kasama sa wishlist ng DND sa ilalim ng AFP Modernization Program, bibigyang prayoridad ng kagawaran ang mga kontrata o proyekto na nilagdaan noong nakalipas na administrasyon sa pag-budget ng limitadong pondo ng pamahalaan.
Giit pa ni andolong na sinabi ni DND Officer In Charge Sr. Undersecretary Jose Faustino Jr., na hindi prayoridad ng pilipinas ang pagbili ng submarine sa ngayon.