Ang lagundi ay isang halamang tumataas ng mga 5 metro.
Ngunit hindi pala ito puno at ang bawat dahon ay may 5 daliri.
Ayon sa mga Eksperto, ito’y gamot sa ubo, hika, nagpapalabas ng plema, at nagpapababa ng lagnat ng sipon o trangkaso.
Nagpapaalis din ito ng sakit ng ulo at ipin at ginagawang panlanggas sa sugat at mga kati sa balat.
Kapag nag-iba naman daw ang kulay ng pinakulong lagundi o kung may amag na, ay huwag nang inumin.
Gayunman, tulad ng ibang gamot, mahalaga pa rin daw na kumonsulta sa mga eksperto bago uminom ng nasabing halamang-gamot.