May bago nang pinuno ang Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ito ang kinumpirma ni Office of the Press Sec. OIC Cheloy Garafil matapos aniyang italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dating Special Action Force Director at retired general Moro Lazo bilang bagong Director General ng ahensya.
Sa isang pahinang appointment letter, ipinagkakatiwala ng Punong Ehekutibo kay Lazo ang liderato ng PDEA.
Papalitan ni Lazo si Wilkins Villanueva na dalawang dekada ring naglingkod sa hanay ng drug law enforcement.
Si Lazo ay isang Ilokano na tubong Laoag City na na-appoint bilang SAF Chief noong 2015.
Samantala, nagpasalamat naman si Villanueva kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nagtalaga sa kanya bilang PDEA Chief at maging kay Pangulong Marcos na hinayaan aniya siyang manatili sa puwesto hanggang nakapagtalaga ito ng bagong hepe ng ahensya.