Nangangailangan ngayon ng mga pinoy workers ang bansang Canada, Guam, Portugal.
Ayon kay Zaldy Patron, Consul General sa Calgary, ang probinsya ng saskatchewan at Alberta sa Canada ang nangangailangan ng mga pinoy nurses.
Samantala, karpintero, mason at engineer ang kailangan ng mga construction company sa guam habang highly skilled workers sa Portugal.
Para sa mga nais mag-apply, maaaring bumisita sa website ng Department of Migrant Workers.