Naghahanda na ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa mga lalawigang sakop ng Northern Luzon sakaling manalasa ang bagyong Obet.
Nabatid na dahil sa epekto ni bagyong Obet, patuloy na nakararanas ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mga lugar sa hilagang Luzon partikular na ang mga lugar sa Cagayan.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO-Cagayan), nakaantabay ang mga rescuer sa kanilang lugar para sa ikakasang operasyon sakaling kailanganin.
Nakahanda narin ang mga relief packs na ipamamahagi sa ilang kumunidad na inaasahang tatamaan ng bagyo anumang oras o araw.
Sa ngayon, patuloy na binabaybay ni bagyong obet ang kanlurang bahagi ng Luzon habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility.