Ititigil muna ng MMDA ang lahat ng rehabilitasyon at pag kumpuni sa mga kalsada sa Metro Manila simula November 14.
Ito ayon kay MMDA Chairman Carlo Dimayuga, III ay para hindi makabigat sa daloy ng trapiko ngayong holiday season.
Sakop ng moratorium ang lahat ng road repair works ng DPWH maliban sa flagship at priority projects ng gobyerno.