Pinahihigpitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na higpitan ang security measures para sa kaligtasan ng gunman ng radio journalist na si Percy Lapid.
Kasunod pa rin ito ng biglaang pagkamatay ng middleman o contact ng gunman sa loob ng National Bilibid Prison.
Sinabi pa ni Abalos na dapat masiguro ang pagbabantay kay Joel Escorial dahil ito ang susi sa pagresolba sa Percy Lapid killing.
Una nang ipinabatid ng kalihim na dismayado ang ahensya sa sinapit ng middleman dahil nasayang ang lahat ng pinaghirapan ng PNP sa pag-iimbestiga sa kasong ito.