Alam mo ba na hindi lang Vitamin C ang kayang i-offer ng Calamansi extract?
Bilang miyembro ng Citrus family, may pagkaka pareho ang benepisyo ng Calamansi juice sa lemon at orange.
Nakatutulong ang Calamansi juice sa pagpapababa ng cholesterol level sa katawan at kalauna’y napipigilan ang posibilidad ng pagkakaroon ng heart diseases dahil sa taglay nitong pectin, isang soluble fiber na nagpapababa ng Low-Density Lipoprotein (LDL).
Ang pagkakaroon ng mataas na LDL ay humahantong sa isang buildup ng kolesterol sa mga arterya.
Napapababa nito ang posibilidad ng pagkakaroon n diabetes dahil nakakatulong ito sa pag-i-i-stablize ng glucose level sa katawan, pagpapababa ng level ng glucose sa dugo at i-regulate ang secretion ng insulin.
Nakatutulong din ito sa pagbabawas ng body odor dahil sa antibacterial qualities nito.
Magdagdag lamang ng katas ng Calamansi sa iyong tubig na pampaligo at hayaan itong makatulong na linisin ang hindi kanais-nais na amoy mula sa iyong balat. —sa panulat ni Hannah Oledan