Umabot na sa kalahating bilyong piso ang naitalang danyos ng Department of Agriculture (DA) sa sektor ng agrikultura dulot ng dalawang magkasunod na bagyong humagupit sa bansa.
Nasa P583.45 million mula sa P427.77 million na naitala kamakailan dahil sa Bagyong Maymay at Neneng.
Apektado ang nasa 21,986 ektarya ng agricultural lands mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region at Cagayan Valley.
Nasira naman ang nasa 36,872 metriko tonelada ng pananim habang nasa 21,324 na magsasaka at mangingisda naman ang apektado dahil sa pananalanta ng dalawang bagyo. —sa panulat ni Hannah Oledan