Isinusulong ni Quezon City Representative Marvin Rillo ang House Bill 5267 na layong itaas ng hanggang 75% ang minimum monthly base pay ng mga government nurses.
Target amyendahan ng panukala ni Rillo ang Philippine Nursing Law kung saan nakapako sa Salary Grade 15 o katumbas ng P35,619 na monthly base pay sa mga public nurse.
Sakaling maisabatas, maaangat sa Salary Grade 21 o P63,997 ang buwanang sahod ng mga nars.
Umaasa si Rillo na magiging daan ito upang makahikayat ng marami na kumuha ng kursong nursing at mapigilan ang pangingibam-bansa ng mga filipino nurse. —sa panulat ni Hannah Oledan