Nananatiling mababa ang bilang ng severe at critical COVID-19 patients na tinamaan ng Omicron variant at mga subvariant nito.
Base ito sa pagsusuri ng Department of Health (DOH) sa mga resulta ng COVID-19 positive samples na isinailalim sa genome sequencing.
Ayon kay DOH epidemiology bureau director Dr. Alethea De Guzman, ang original Omicron ang may pinakamababang proportion ng severe at critical cases kumpara sa alpha, beta at delta variant.
Binigyang-diin ng kagawaran na ang delta variant pa rin ang may pinakamaraming bilang ng nasabing mga kaso habang ang Alpha variant ang nakapagtala ng highest fatality rate sa lahat ng COVID-19 variants na na-detect sa bansa.