Dumating na ang South Korean actress na si Park Eun-Bin sa Manila kanina.
Base ito sa post ng Manila International Airport Authority (MIAA) na dumating ang actress sakay ng korean airlines flight KE621 sa NAIA terminal 1.
Gaganapin naman bukas ang pinakauna nitong Asian fan meet tour na “Eun-Bin Note: Binkan” sa New Frontier Theatre sa Quezon City.
Matatandaang si Eun-Bin ang gumanap na bida sa tinutukang K-drama na “Extraordinary Attorney Woo” kung saan isa siyang lawyer na may asperger’s syndrome.