Nagsagawa ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kalsada patungo sa mga sementeryo bago mag-undas.
Inalis ng mga tauhan ng task force operation baklas ang mga sabagal sa kahabaan ng Montreal at Denver hanggang Aurora Boulevard at Arayat sa Cubao, Quezon City.
Ayon kay MMDA Task Force Special Operations Chief Bong Nebrija, tumutulong sila sa pagsasaayos ng mga bumababa, sumasakay at pumipilang mga pasahero upang magkaroon ng kaayusan para maiwasan ang traffic.
Pinaghahandaan na aniya ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga bus terminal.
Kaugnay dito, magsasagawa rin ang ahensya ng clearing operations sa mga kalsada ng Maynila, Quezon City at Malabon sa susunod na araw.
Samantala, nagsimula na ring maghanda ang Philippine Ports Authority-Matnog para sa undas.
Inaasahan ng daungan na mahigit na 4,000 hanggang 5,000 pasahero ang dadagsa.- sa panunulat ni Jenn Patrolla