Pumalo na sa mahigit P1-B ang kabuuang danyos sa sektor ng agrikultura at imprastraktura kasunod ng pananalasa ng bagyong Neneng at Maymay sa Northern Luzon sa loob lamang ng isang liggo.
Batay sa ulat ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa P474.2 million na ang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastruktura at agrikultura dahil sa Bagyong Neneng.
Habang nasa P533 million naman angg halaga ng nawala sa dalawang sektor dahil sa Bagyong Maymay.
Kabilang sa mga napinsalang imprastraktura ay mga kabahayan, kalsada, gymnasiums, day care centers, waiting sheds, mga school buildings at barangay health stations.
Isinailalim naman ang mga Barangay ng Santa Ana, Santa Praxedes, Allacapan at Sanchez Mira sa State of Calamity dahil sa epekto ng nagdaang mga bagyo para mapabilis ang paghahatid ng tulong ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente. —sa panulat ni Hannah Oledan