Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa Cagayan De Oro City.
Batay sa isang ulat nitong Sabado, nakitang may sugat sa tainga at butas ang likod ng ulo ng biktimang si Anne, hindi niya tunay na pangalan.
Gayunman, pinaniniwalaan ng mga kapitbahay na aswang ang salarin dahil walang nakitang dugo sa bahay ng biktima.
Napag-alamang may brain tumor at sakit na epilepsy ang babae.
Ayon naman sa Pulisya, wala silang namataang gamit sa pagpatay sa lugar.
Isasailalim sa autopsy ang katawan ng biktima para malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay. - sa panunulat ni Maze Aliño – Dayundayon