Makararanas ng mga pag-ulan ang ilang lugar sa bansa dahil sa na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at ng Northeast Monsoon o amihan ayon sa PAGASA.
Kung saan maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang mararanasan sa Mindanao.
Habang kalat kalat na pag-ulan din ang mararanasan sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Adminitrative Region (CAR) dahil naman sa amihan.
Mararanasan naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at isolated rain showers o thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Samantala, inaasahang papasok naman sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang Low Pressure Area (LPA) sa Martes na sakaling tuluyang magiging isang bagyo ay papangalanang Paeng