Sinimulan na ang dry run sa bagong sistema para sa daanan ng mga bike, u-turn area para sa mga tricycle at tamang kaliwaan ng pampublikong jeep at mga sasakyan sa eliptical road sa Quezon City.
Kung saan ang mga motoristang hindi agad makasusunod sa bagong sistema ay hindi pa papatawan ng kaukulang parusa o multa.
Sa halip ay aabisuhan lamang ang mga ito ng mga traffic enforcer kaugnay sa bagong sistema sa daan.
Habang ipatutupad naman ang buong implementasyon ng bagong patakaran sa lunes at sakaling makitang epektibo ang bagong sistema ay tatayuan ng concrete barrier ang lugar.