Inihayag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na sisiguruhin ng pamahalaan ang food security ng Pilipinas.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag nang pangunahan nito ang pamamahagi ng tulong sa iba’t ibang sektor sa Talisay City sa Negros Occidental.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Punong Ehekutibo na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito para tulungan ang mga nangangailangan partikular na iyong mga naapektuhan ng economic crisis.
Pagka ako ay umiikot at pumupunta sa iba’t ibang lugar, tinitiyak ko na yung inaasahang tulong na inyong inaasahang tulong na galing sa gobyerno ay tuloy-tuloy ang parating sa taong bayan. Kaya kami nandito para tiyakin na maging maayos ang distribusyon, maging maayos, at lahat ng mga nangangailangan ay makakatanggap.
Alam naman natin medyo mahirap ang buhay talaga ngayon, lahat ng bilihin ay tumataas, gasolina, lahat ng krudo, lahat ng ating mga pangangailangan ay tumataas ang presyo.
Ang pahayag ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.