Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kanilang kikilalanin ang digital version ng National ID bilang valid identification card para sa passport application.
Ayon sa DFA, tatanggapin ng Office of Consular Affairs ang soft copy ng PhilSys ID o ang EPHILID para sa pasaporte ng mga aplikante.
Sinabi ng ahensya na dapat ay malinaw o maayos na nababasa at pareho ang mga detalye sa ipapasang digital version ng National ID tulad ng ipinakita sa mga kinakailangang dokumento ng mga mag-a-apply.
Pinayuhan naman ng DFA ang publiko na bumisita sa kanilang official website para sa iba pang mga katanungan at karagdagang impormasyon tungkol sa passport.