Muling nagpaalala ang Davao City Police Office-Traffic Enforcement Unit (DCPO-TEU) sa lahat ng pasahero na tiyaking maayos ang kondisyon ng kanilang mga sasakyan sa Undas.
Ayon kay DCPO-TEU chief, Maj. Dexter Domingo, ipasuri ang mga sasakyan bago ibiyahe, lalo sa mga malayong destinasyon upang maiwasan ang aberya o aksidente.
Dapat ding ihanda ang mga emergency equipment sa loob ng sasakyan sakaling pumalya sa gitna ng biyahe.
Higit sa lahat ay dapat anyang nasa kondisyon din ang driver at hindi puyat o pagod bago magmaneho. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla