Namahagi ng 88 milyong piso ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka sa Negros Occidental bilang bahagi ng Philippine Rural Development project.
Pinanguhan ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang matiyak ang maayos na distribusyon.
Ayon kay PBBM, habang nangangailangan ng tulong ang taong bayan, gagawin ng gobyerno ang lahat upang makatulong sa mga magsasaka.
Mahigit 1,000 ang benepisyaryo mula sa ibang munisipalidad at lungsod ng Negros Occidental.
Kaugnay dito, sinabi din ni PBBM na hindi siya bababa sa puwesto bilang head ng DA. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla