Naging matagumpay ang hosting ng Techno Event Enterprise Ads, Inc. (TEEAI) sa isa na namang prestihiyosong aktibidad sa City of Dreams main ballroom, Paranaque City nitong Oktubre 22.
Ayon kay Ptr. Jon-Jon Solangon, COO ng TEEAI, ang idinaos na international trade business matching event para sa leading technology suppliers sa buong mundo at industry stakeholders o customers sa bansa ay may temang “Bridging stakeholders in uniting water system technology providers as key solution for global warming.”
Sinabi ni Solangon na si Engr. Lino Diamante, head ng Diamante Group of Companies at founder/Chairman of the Board ng TEEAI, ay matagal nang sumasabak sa iba’t ibang events na dinadaluhan at pinangungunahan ng pandaigdigang grupo ng mga techno-entrepreneurs.
Layunin at nasa puso aniya ni Diamante na tulungan hindi lamang ang kompanya kundi maging ang mga Pilipino na magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
Nabatid na ang main part ng programa ay ang ‘induction of officers’ ng TEEAI, Crossflow companies, at Pipping & Pump Society para sa taong 2022–2024.
Maliban kina Engr. Diamante at Ptr. Solangon, kabilang din sa mga opisyal ng TEEAI, sina Mr. Jonathan Oraño, President; Mr. Jebie Reyes, Vice-president; Mrs. Abigail Solangon, Vice-president; Mrs. Jocelyn Diamante, Finance Officer; Ms. Mitch Fontelara, Secretary; Fredie Abao, liason officer, at iba pa.