Aabot sa 25 former rebels ang matagumpay na nakapagtapos sa kanilang 3-month live-in deradicalization and capacity building – TUPAD Pangako Program.
Sa ilalim ito ng Davao Del Sur task force balik-loob.
Sinimulan ang programa noong 2021 na layong tanggalin ang galit na itinanim sa isipan ng mga rebelde.
Hinati ang aktibidad sa tatlo kabilang ang psychosocial intervention, occupational and livelihood skills development, at alternative literacy program.
Sa ilalim ng deradicalization program, ibinabalik sa isipan ng mga rebelde ang kanilang dignidad at binibigyang edukasyon ang mga ito tungkol sa ekonomiyang pamamahay at mga halagang pampamilya bilang pangkalahatang adhikain para maihanda ang mga FRS sa pagbabalik nila sa kani-kanilang kumunidad.
Bukod sa tulong ng enhance comprehensive local integration program ng task force balik loob, nagbigay ang provincial government ng Davao Del Sur ng tulong pinansyal na nagkakahalagang P20,000 sa bawat FR habang namahagi naman ng starter kits ang Davao Sur Provincial Agriculture Office. - sa panunulat ni Hannah Oledan