Maaari pa ring magsagawa ng autopsy sa labi ng sinasabing middleman sa kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Ito, ayon kay Southern Police District Director, Brig. Gen. Kirby Kraft, ay upang malaman ang tunay na ikinamatay ni Jun Villamor sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Magugunitang namatay si Villamor sa Bilibid noong October 18 kasabay ng paglantad ng self-confessed gunman na si Joel Escorial.
Kahit anya ikinukunsidera na ng PNP na sarado na ang kaso dahil sa pagkaka-aresto kay Escorial, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon.
Bukod pa ito sa pagtugis sa iba pang suspek na magkapatid na sina Edmon at Israel Dimaculangan at isang alyas Orly o Orlando.
Aminado naman si Kraft na malaking tulong sa kanila ang pagbibigay ni Escorial ng kanyang passbook na maaaring makapagturo sa mastermind na nag-utos sa pagpatay kay lapid habang kasalukuyan namang inaalam ng Special Investigation Task.
Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng taong nagdeposito ng pera bilang kabayaran sa trabaho umano nina Escorial na patayin ang broadcaster.