Dalawa ang nasawi habang 34 ang isinugod sa ospital dahil sa Diarrhea sa Tacloban City, Leyte.
Ayon kay mayor Alfred Romualdez, kabilang sa namatay ang sampung buwang gulang na sanggol dahil sa matinding dehydration.
Nagsagawa naman ng rapid test at napag-alamang nagpositibo sa cholera ang mga biktima.
Karamihan sa mga na-ospital ay residente ng barangay Abucay at Marasbas.
Ipinag-utos na ni Romualdez ang pagsusuri sa lahat ng water refilling stations sa mga apektadong lugar. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla