Posibleng itaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang policy rate ng mahigit 100 basis points o BPS bago matapos ang taon.
Ayon kay central bank governor Felipe Medalla, sakaling itaas ng US federal reserve ang interest rates nito sa 75 BPS ay dapat na tapatan ito ng Pilipinas.
Ang nasabing hakbang aniya ay kabilang sa mga tinututukan ng ahensya dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation at dahil na rin sa kalahating porsyento lamang ang tiyansa ng bansa na maabot ang inflation target na 2 hanggang 4 percent sa susunod na taon.
Sinabi pa ni Medalla na posibleng umabot sa average na 4.1% ang inflation rate sa 2023.
Inaasahan ang mataas na inflation hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon at unti-unti itong babagal sa ikalawang bahagi ng taon.
Sa datos na iprinisinta ni Medalla, itinaas ng BSP ang interest rates sa 225 basis points mula Mayo ngayong taon. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla