Walang magiging pagtaas sa presyo ng kandila sa gitna ng pagtaas sa demand nito habang papalapit ang All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), mananatili ang Suggested Retail Prices (SRP) sa Basic Good and Prime Commodities (BNPC) na inisyu noong August 12, 2022.
Sa August 2022 SRP list, ang candle brand na 5-star Esperma ay mabibili mula P49.83 hanggang P137.93; Export candles, mula P29.75 hanggang P99.75; Liwanag Esperma candle, ay nagkakahalaga ng P46.42 hanggang P177.71; at Manila Wax, mula P47.74 hanggang P82.76.
Binalaan naman ang mga retailer na huwag taasan ang presyo ng unscented candles nang higit sa SRP dahil ikinukunsidera pa rin ito bilang basic goods.
Pinapayuhan din ang mga konsyumer na bumili ng mga kandila sa mga grocery at supermarket.
Samantala, sinabi ng DTI na wala silang ilalabas na SRP sa bulaklak dahil hindi ito kabilang sa basic goods.