Hindi naiwasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na purihin ang Presidential Security Group (PSG).
Ito’y kaugnay ng serbisyo at dedikasyon nitong ipinamalas kahit sa mga nakalipas nang taon.
Sa kanyang mensahe sa VIP protection course ng PSG, sinabi ng punong ehekutibo na hindi lamang kapuri- puri ang debosyon ng mga psg na mapangalagaan siya at ang first family kundi pati na ng iba pang VIPs.
Nagsilbi namang kinatawan ng pangulo sa okasyon ang presidential son na si Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos na nagpaabot din ng kanyang mensahe sa nasabing event.
Kabilang naman sa mga nagsipagtapos sa VIP protection course at bahagi ng classes 129-2022 at 130-2022 ay ang aktor na si 2nd Lt. Mateo Guidicelli.
Sa kanyang pahayag, sinabi naman ni Guidicelli na isang malaking karangalan na siya’y naging bahagi ng PSG matapos sumabak sa pagsasanay at maging parte ng elite force na mangangalaga sa presidente at sa unang pamilya. - sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13) .