Hindi i-a-atras ng mga sardines manufacturer sa ang hirit na dagdag P3.00 sa kanilang mga produkto kahit may inilatag ang gobyerno na solusyon sa kakulangan ng supply.
Ipinunto ni Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP) Executive Director Francisco Buencamino na bahagi lamang ang hakbang ng gobyerno ng mas malaking problema sa produksyon na kinakaharap ng canners.
Nilinaw ni Buencamino na ang petisyon na taasan ng tres pesos ang Suggested Retail Price para sa canned sardines ay noong Hulyo pa inihain ng CSAP, ilang buwan bago ang kanilang babala na magkakaroon ng raw material shortage sa huling bahagi ng taon.
Kung tutuusin anya ay maliit lamang ang hinihiling nilang dagdag kahit pa dalawang taon nang hindi gumagalaw ang presyo ng kanilang produkto.
Kabilang sa mga nagtulak sa CSAP na humirit ng price hike ang sumisipang presyo ng materyales, tulad ng lata at tomato paste, maging ng krudo bunsod ng humihinang halaga ng piso at epekto ng Ukraine-Russia War.