Suportado ng ilang business groups ang “Complete Phaseout” ng mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.
Kabilang sa nagsulong ng tuluyang pagpapa-alis sa mga POGO ang Foundation for Economic Freedom, Makati Business Club at Management Association of the Philippines.
Bagaman may benepisyo sa ekonomiya ang mga POGO, mas malaki naman ang negatibong epekto nito sa lipunan at seguridad ng bansa.
Ipinunto ng mga business group na nawawala ang kumpiyansa ng mga investor sa bansa sa sandaling makitaan ng bahid ng “Money Laundering” ang Banking System at kung nalalagay sa balag ng alanganin ang kalakalan.
Iniuugnay ang mga pogo activity sa ilang krimen tulad ng Money Laundering, Kidnapping, Bribery, Prostitution, Human at Drug Trafficking na pawang may malaking epekto sa Law and Order maging sa reputasyon ng bansa.
Ngayon lamang buwan ay sinimulan na ng pamahalaan ang pagpapa-deport sa halos 50,000 illegal Chinese pogo workers.